Nasaan na Kaya si Arman?
Abstract
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon palagi ko pa ring hinahanap si Arman sa isa sa malawak at maingay na siyudad ng Kamaynilaan. Dito sa Quezon City Memorial Circle nakasentro ang paghahanap ko kay Arman. Anong meron sa pangalang Arman na sa dinami-dami ng mga taong aking nakakasalamuha sa araw-araw, bakit nagbabasakaling marinig ko siyang tumatawag sa akin habang nakalatag ang mga produkto sa tabi ng daan, sumusigaw ng mga rota ng pampasaherong sasakyan, nakatambay sa daan o saan man. Si Arman na kengkoy pero matapang. Hindi kaya dahil kahulugan ng pangalan niyang Arman na Man in the army sa German at French. God’s Man naman sa Armenian, at Wish at longing naman sa Persian. Ano’t ano man ang dahilan, bakit inaalala ko pa rin ang kababatang lumisan sa sulok na aking pinagmulan - ang merkado.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2019 Delfin H Mundala, Jr

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.