Kasa Saka Iba Pang Tula
Abstract
Unang beses mapadpad ng awtor sa Mindanao noon—at hindi turismo ang nagtulak sa paglapag sa bahaging timog na ito ng Pilipinas, kundi fact-finding mission sa Kidapawan noong 2016, matapos barilin ng mga puwersa ng estado ang mga magsasakang nagbarikada upang irehistro ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa “hulaw” (drought), at iba pang kaugnay na isyung agraryo. Mula ang apat na piyesa ritong nailimbag sa unang pagkakataon sa manuskritong “Palusong at Iba Pang Tula” na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Rogelio Sicat (2016) ng Sentro ng Wikang Filipino. Ang tulang “Palusong,” na tungkol sa Paaralang Lumad na binisita ng awtor matapos ang fact-finding, ay nasa ANI 40 (2018), dyornal ng Cultural Center of the Philippines.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2019 Tilde Acuña

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.